Taong 2008, siya’y nagtapos ng kursong Edukasyon sa larangan ng Filipino sa The National Teachers College sa Quiapo Maynila. Sa taon ding ito ay naging guro sa pribadong paaralan sa School of Saint Anthony hanggang sa taong 2012. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang misyon bilang guro sa pampublikong paaralan sa F.G. Calderon Integrated School sa Tondo Maynila.
Naging part-time professor sa AMA University taong 2012-2015. Gayundin sa ABE Colleges . Nakapagturo rin sa SHS sa National University taong 2017 at sa kasalukuyan ay nagtuturo ng Filipino at Pananaliksik sa mga mag-aaral ng SHS sa Lungsod ng Pasig..
Siya ay nagkaroon ng 33 units sa Masters Degree sa Sining ng Pagtuturo sa Filipino sa The National Teachers College at ngayong taong 2024 ay makakapagtapos naman sa Masters in Education Major in Management.
Manunulat ng tula at iba pang akda sa Filipino at tagapayo ng Masining na pagsulat sa Filipino.
Gurong Tagapagsanay sa iba’t ibang patimpalak gaya ng Balagtasan, Talumpatian , Pagkukwento at Sabayang Pagbigkas.